TINDAHAN NG ALAALA
Una sa lahat ako ay nagsulat, Ng tula na may titulong Tindahan ng Alaala. Upang sariwain ang alaala ng nakaraan na pilit kinakalimutan ngunit pabalik balik hindi mapigilan.
Nang ako ay iyong iwan tila sariliy napabayaan, Iniwan mo sa ere, nagiisa walang kasama. Mali pala ako pala ay may kasama mga katulad kong umasa at patuloy na umaasa. Dahil dito kapag yumaman ako nais kong bumili ng eroplano. Upang sunduin, sagipin ang mga tulad kong naging tanga, umasa, pinaasa, binalewala, sinaktan at iniwan sa ere ng nagiisa.
Ako ay naglakad papunta sa kapehan. At ako ay bumili at akong sinabi, "ate pabili ng kape", "Yung matapang po?" Tanong ni ate. Oo, ate yung matapang yung kaya akong ipaglaban yung hindi ako iiwan, pwede rin sana yung stick to one para ako lang, O kaya naman yung two in one umalis man siya ako ay may reserba.
Pagkatapos magkape naisipang bumili. Bumili ng paputok sa nalalapit na bagong taon. Ako ay sumakay ng jeep papunta sa bilihan. Puno ng pasahero gaya ng inaasahan ko. Bigla kitang naalala. Bakit? Sa pagsiksik ng sarili para makaupo, kagaya ng pagsiksik ko sa iyo, pagsiksik ko diyan sa puso mo, pagsiksik ko dyan sa buhay mo, pagsiksik ko sa taong tulad mo na hindi matumbasan ang pagmamahal ko. Oo, gago ako, tanga ako, pinagsiksikan ko sarili ko pero eto nakaupo na ako sa jeep na sinasakyan ko.
Ng makarating sa tindahan ng paputok. Ikaw pa rin ang alala ng sabihin mong ayaw mo na. Daig ko pa ang naputukan matagal na maghihilom ang sugat na iniwan. Ang sugat na paulit ulit ang kirot, ang sugat na malalim, ang sugat na matagal bago maghilom dumaan man ang ilang taon. Ako ay bibili ng paputok para sa bagong taon, dahil handa na kong makapag move on. Ate, ate pabili ng paputok, "Yung malakas po"? Tanong ni ate. Oo, ate yung kayanv pasabugin ang ex ko ang mga taong paasa at nanakit sa puso ko. O kaya yung paputok na kahit putukan man niya ako kaya niya akong panindigan ung hinding hindi ako iiwan, magpakailanman.
Ito ang tindahan, na kapag nakikita ikaw ang naaalala. Tindihan na hindi ako iniwan hindi katulad mo na agad akong sinukuan, hindi katulad mo na magaling mangiwan, hindi katulad mo na puso koy sinugatan, ang tindahang ito ang alaala ko ng akoy iniwan mo, iniwan mong nagiisa, iniwan mo ng milya milya, iniwan mong umiiyak kaya ito ako ngayon isa lang ang balak. Ubusin ang tinta ng akinv pluma hanggang sa masulat ang sakit at hapdi na iyong pinadama. FK YOU. HAHA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento